Feature Story (Published in Siniripal 2013, September 2013)
by: Syrell Doanne V. Nietes
Katorse. Labin-apat. Maaring sa karamihan ordinaryo lamang ang numerong ito pero hindi sa kaibigan ko. Syempre naman, ipinanganak kaya sa araw na ito ang isa sa mga talentadong tao sa mundo.
Isang araw nga ng may try-out sa volleyball,agad siyang sumali dahil sasali din daw ang crush niya sa girls team at yun pasok silang dalawa. Masaya pa siyang kinuwento sa akin ang pangyayaring iyon.
Dahil dito,araw-araw nag-eensayo siya ng maayos. Sinisigurado niya na ang bola ay palaging pasok sa net. Minsan naliligo na siya pawis pagkatapos mag praktis. Talagang hangad na hangad niyang makapunta sa regional level ngayong taon at maiuwi ang medalya na kanyang pangarap. Noong isang taon di siya mapalad na masungkit ang medalya sa larangan ng Badminton nang siya ang nagrepresenta ng lalawigan sa WVRAA Meet sa Roxas, Capiz.
“Malas dun gd me haw????? Text message na kumalat sa aming mga cellphone. Ang mensahe ay nanggaling kay Vince. Nahabag ang kalooban ko ng mabasa ko iyon. “Y?” Reply ni Sir Bads sa text na iyon.
“T mung kay gn bata me May 14, 2001 kag ang pwede lang kasipal sa sports is May 15, 2001 patas, t naging over age me one day..,” tugon niya.
Randam ko ang hapdi ng mga salitang it yon ng aking kaibigan. Pinuntahan ko siya. Tanaw ko ang unti-unting paghulog ang mga munting perlas sa kanyang mga mata. Agad-agad siyang pumunta sa harap ng gym at doon ibinuhos ang lahat. Ang galit.. Pagmamaktol..at higit sa lahat panghihinayang! Nagsimula siyang magpakawala ng mga katanangunan na kahit sino ay di kayang sagutin. Oo, alam ko sa aking sarili ng mga oras na iyon ay wala akong magagawa kundi awa sa aking kaibigan, at ang tanging maibigay sa kanya ay ang intindihin siya.
“Bakit sa lahat ng araw, May 14 pa ako ipinanganak. Sana noong 15 na lang,” bukambibig niya.
Pilit kong tinutumbok ang pinaghuhugutan ng kanyang hinanakit. Noon ko lamang napagtanto sa aking sarili kung gaano kahalaga sa isang tao ang isports, kung gaano kahalaga ang makapaglaro at ipakita ang kakayahan.
Mapaglaro man ang tadhana kay Vince sa nagdaang araw, batid ko na pagsapit ng Sabado Setyembre 14 muling sisikat ang bagong umaga sa kanya. Vince, isa kang huwaran at modelo na nagbabandera sa importansya ng isports sa buhay ng tao! Anuman ang nangyari, proud kami sa ‘yo!#

Photo Credit: Budz Bradley III/d"Doc Jessie Flores
No comments:
Post a Comment