Panalangin. Ito’y isang isang ilaw sa gitna ng dilim na unti-unting naghahatid sa isang nilalang tungo sa paroroonan, isang instrumento upang ilagay sa kaotohanan ang bawat mithiin ng isang tao sa kanyang buhay. Ito ang daan upang makausap ang katangi-tanging Poong Maykapal sa pagkagising sa umaga bilang pasimula sa maghapong tatanggaping biyaya mula sa kanya.
Sa kabila ng mga pagsubok na aming kinakaharap. Ito lang ang aming naging sandata sa mga pasanin namin sa buhay. Si tatay, hmmm…. humuhugot kami ng lakas sa kanya. Sa kabila ng mga paghihirap niya para sa amin. Kahit isa lang siyang traysikel drayber. Kinaya niya kami buhayin, kinaya niya akong pag-aralin.
Mula sa masisipag na tao,ito ang tatay Marcelino Sales Jr. ko. Ang pinakamamahal at pinakamasipag kong tatay. Galing siya sa Guihulngan City, Negros Oriental. Puno ng kulay ang nakaraan ng aking tatay. Noong nag-aaral pa lamang siya ay naranasan niya na ang hatiin ang kanyang oras, oras sa pag-aaral at oras sa pagtatrabaho. Sa madaling sabi naging working student siya.
Nakapagtapos si tatay ng Electrical Engineering kahit na siya lang ang nagtataguyod ng kanyang kolehiyo. Hindi naman siya iskolar tulad ko. Hindi ko talaga akalain na magagawa ng tatay ko ang lahat na iyon. Akalain mo na kahit walang pera ay kinaya ng tatay ko na tustusan ang lahat na iyon. Kahit masama sa pakiramdam ng isang anak na yun ang pinagdaan ng isang ama ay okay pa rin yun sa akin dahil napatunayan naman ni tatay na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng mithiin sa buhay.
Dalawamput-walong taon na kami naninirahan dito sa Antique simula ng magsama si Tatay at Nanay Nelda Aquino-Sales. Ayon sa mga kwento ni tatay nagkakilala raw sila ni nanay sa isang pabrika na pinapasukan nito. Hindi madali ang buhay mag-asawa dahil sa pagsubok ng buhay. Lalong lalo na nang dumating ako sa buhay nila. Pero palaging sinasabi ni tatay na anghel raw nila ako. Kwento pa niya nang magtayo sila ng negosyo ni nanay na Ready-to-Wear (RTW) shop ay pumatok ito.
Hindi naging madali ang piangdaanan ng aming pamilya. Naranasan naming maapakan at husgahan ng ibang tao.
“Okay lang na pag-uusapan tayo ng ibang tao basta. ang importante wala tayong naaapakan na tao”, mga salita sa amin ni nanay.
Heto ako ngayon isang DJ sa isa mga respetadong radio station ng bansa. Masaya ako sa Star FM, Bombo Radyo Philippines. Kilala ako sa tawag na Dj Max.
Kasalukuyan, iskolar ako sa UP Diliman sa kursong LAW. Natatandaan ko pa nung graduation ko sa kolehiyo, hindi ako naka akyat sa entablado upang kunin ang aking diploma. Inuna ko ang pagrerepresenta ng bayan sa Lin-ay ng Antique. May paghihinayang din ako noon sa aking pasya.
Sa aming pamumuhay hindi naging mahalaga ang yaman kundi ang makapagtapos sa pag-aaral. Hindi importante ang mga materyal na bagay. Ang pinaka-importante ang wala kang maaapakan na ibang tao”.
Ang sabi ni nanay kailangang may takot kami sa Diyos. Ito lang ang naging tulay namin kung paano kami nabubuhay sa ngayon. Napagkasanayan na rin naming magdasal na magkasama-sama.
Kaya pinatunayan ko,angt mga katagang “Prayers can move mountains”. Na kahit anong mangyari sa araw-araw na pagsubok sa buhay, okay lang ako. Ang rurok ng tagumpay ay nandyan lamang naghihintay at nakaabang sa atin. Nakahandang pulutin, hablutin, sungkutin at kunin.
Sa kabila ng kahirapan ng aking buhay at kasawiang palad na dumalaw sa akin, matutuhan ko itong harapin at hanapin ang mga nakatagong kabutihan ng bawat pangyayari ng aking buhay. Matuto lamang tayong tuunan ng pansin mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, tiyak na matutuklasan nating napakarami nating dapat ipagdasal at ipagpasalamat sa buhay.
“Kamu ang mga manggad (yaman) ko” bukambibig sa akin ni tatay.
Si Marnelli ay tunay na mukha ng Tribu Pamasada. Nito lamang Disyembre 27 siya ay ikinasal at hanggang sa ganitong pinakaimportanteng araw ng kanyang buhay naging bahagi ito - ang kakambal niya sa buhay ng kangyang Tatay Marcelino.
Nang araw na iyon, tanaw niya sa labas ng bahay na handa na ito upang maging kauna-unahang traysikel na gagawing ’bridal car’ sa kasaysayan ng bayan. Malinis. Nakabihis. Napalamutian.
Sa labas ng bahay nasilayan ni Marnelli na umaandar na ito at nakasampa na ang kanyang ama.ABS/KA Dioso/AC Dela Cruz/ AG Pactao-in